Tuesday, February 28, 2012
Exercise Day 6
It seems that summer is already here. Anyways, I started changing my sleeping habit also, I woke up 8 but got out of bed around 8:30. I pushed myself to get out of bed. So I can have a normal body clock.
Still no rice for me. Today is my 30th day with out rice. I'm not looking for it anymore. I hope that this will continue. It is a continuous fight.
I have my cheat day every Sunday. I cook whatever food I want to eat. I had Baked Zitti and Choco Mallows last Sunday.
Here are some pictures of my self and the baked zitti. I'd like to think that I'm losing weight. There's no telling I don't have a weighing scale here at home. :)
Til next time.

Tuesday, February 21, 2012
1st day of Exercise and other stuffs
I've watched the bottom line and made me realize something.
"I WANT TO BOUNCE BACK, FEARLESS AND RESILIENT"
That's the bottom line. I'm planning to make a video blog. Hope that I get a great idea on what to talk about.
Sunday, January 29, 2012
Reloaded - Day 1
I started to go back to the wagon. My fellow DJ Peri is helping me and monitoring my diet and transformation.
Today so far, I had
1 orange & 1 pear for breakfast
1 1/2 cup rice, 1 tuyo, 2 chicken tinola - lunch
2 chicken tinola 1 orange - merienda
And I decided to post my pic to see if there are any change. I won't put my whole body shot for the meantime as it would demotivate me.
I feel weak. We'll see.
I'll update you tomorrow. :D
See you guys!
Wednesday, January 18, 2012
It's Time to go back, I've been asleep for 4 years
I decided to pour out all my emotions to get this done and over with. This is my journal. My journal to taking back my life, as if there was a life.
This time. After this I'm going to be more exact. Concise. All my blog entries before was not really as precise as before.
So that's about it for me for the meantime. I'm going to post pics of course of myself.
2012 ... after 4 years. I hope my next post won't be 2020. I feel that I lost 4 years of my life.
It's time ... WAKE UP!
Thursday, December 11, 2008
TATANGA-TANGA KA KASI NAHULOG KA TULOY!
I so love this post from jell, na ninenok din niya kay bob ong kaya ninenok ko sa kanya ... magulo ba? basta nakakatuwa pero totoo!
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya…”
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para
sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
6. “Kung maghihintay ka lang nang lalandi sayo, walang magyayari sa buhay mo… dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.” –
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman mgmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang Friendly, sweet, flirt, alandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa maganda o nakakalibog ito. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa sa isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
18. “Kung nagmahal ka ng taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob mo sa buhay. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!.”
19. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at pag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka…” -
TOINK! Funny pero me point! ;) ;) ;)
So sino si Bob Ong? http://www.visprint.net/publications/bob/
Saturday, November 22, 2008
I put a spell on you
I put a spell on you
and now you're mine.
You can't stop the things I do.
I ain't lyyyyyin'.
It's been 300 years
right down to the day,
now the witch is back
and there's hell to pay.
I put a spell on you
and now you're miiiiiine!
"Hello, Salem! My name's Winifred, what's yours?"
I put a spell on you
and now you're gone.
My whammy fell in you
and it was strong.
Your wretched little lives
have all been cursed,
'cause of all the witches working
I'm the worst!
I put a spell on you
and now you're mine!
If you don't believe,
you'd better get superstitious.
Ask my sisters!
"Ooh, she's vicious!"
I put a spell on you,
a wicked spell,
I put a spell on you.
Sisters!
Ah-say-into-pie,
Oppa-mabey-uppen-die.
In-kama-koray-ah-ma.
Hey, hi, say, bye-bye-i-i-i-i-i-i!
Bye bye!!!
Saturday, September 27, 2008
kawawang bakla?
Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.
Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.
Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.
Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.
Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.
Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.
Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.
Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.
Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.
Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.
Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.
Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.
Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.
Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.
Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.
Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.
Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):
PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.
BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.
Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.
Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?
Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!
Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.
Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.
May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.
Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.
Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.
Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:
RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!
ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!
GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!
YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!
VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!
INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.
BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….